XIAN copy

NAPATUNAYAN na niya ang kanyang galing sa pag-arte sa TV at sa pelikula, ngayon ay ipapakita naman ni Xian Lim ang kanyang talento bilang musikero sa kanyang kauna-unahang major solo concert na A Date With Xian, na gaganapin sa Kia Theater ngayong Sabado, July 9, 8 PM.

Sa ilalim ng produksiyon ng Star Events, ang concert ay katuparan ng matagal nang pangarap ni Xian sa kanyang walong taong pag-aartista.

Kahit busy sa iba’t ibang proyekto, very hands-on at matindi ang paghahanda ni Xian para sa kanyang concert. Sa katunayan, siya ang namili ng mga awiting kakantahin at tutugtugin niya, pati na ang outfits na kanyang isusuot.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“I have the whole show pictured in my head already. I will try to play as many instruments as I can for the fans.

This is something na talagang pinaghandaan at pinaghirapan namin,” pahayag ni Xian.

Bata pa lang si Xian ay mahal na niya ang musika, at hindi na rin bago sa kanyang pinaka-loyal na supporters na marunong tumugtog si Xian ng mahigit sa sampung musical instruments.

Sa katunayan, ipinamalas na niya ang kanyang galing sa pagkanta sa kanyang dalawang solo albums at nakapag-record na rin ng ilang sariling komposisyon.

Tiyak na mai-enjoy ng audience ang A Date With Xian dahil magtatampok ito ng iba’t ibang genre – mula classical, ballads, hanggang pop.

Bukod pa rito, inaabangan din ng fans ang concert dahil mapapanood din nila si Xian dito na nagra-rap at sumasayaw.

Mas magiging espesyal ang concert dahil makakasama ni Xian sina Abra, Dawn Chang, Morissette, Richard Poon, at ang kanyang ka-love team na si Kim Chiu. Ito ay sa ilalim ng director na si Alco Guerrero at music direction naman ni Chino David ng Silent Sanctuary.

Ang tickets nito ay nagkakahalaga ng P3,710 para sa VIP section; P3,180 para sa orchestra A; P2,650 para sa orchestra B; P1,400 para sa loge, at P800 naman para sa balcony. Maaaring mag-log on sa www.ticketnet.com.ph para sa inquiries bisitahin ang Facebook page ng Star Music na www.facebook.com/starrecordsphil o i-follow ang @starrecordsph sa Twitter at @starmusicph sa Instagram para sa detalye o karagdagang impormasyon.