MAPAPANOOD na ang inaabangang salpukan ng anim na koponan ng basketball mula sa iba’t ibang bansa kabilang na ang Gilas Pilipinas sa FIBA Olympic Qualifying Tournament na gaganapin sa Mall of Asia Arena simula July 5 hanggang 10.

Kabilang sa mga maglalaro ang France, Canada, Senegal, New Zealand, Turkey at ang pambato ng Pilipinas.

Ang larong ito ang isa sa pinakamalaking hamon na haharapin ng mga koponan na nagnanais makapasok sa prestihiyosong RIO 2016 Olympic Games sa August 6-22 sa Rio de Janeiro sa Brazil na ihahatid din dito sa bansa nang live sa pamamagitan ng TV5, Aksyon TV at Hyper sa Cignal.

Tiyak na aabangan ng mga Pinoy ang magiging laro ng pambato ng Pilipinas. Matapos ang home court tune up games, mga training at ang dalawang linggo nitong Europe training camp, handa na ang Gilas Pilipinas na harapin ang hamon sa hard court.

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

Mapapanood ang aksiyon sa hard court sa FIBA OQT live at exclusive sa TV5 at online sa Sports5 PH sa mga sumusunod na schedule:

July 5: Turkey vs Canada, 6:30 PM; Phils vs France, 9:00 PM

July 6: Canada vs Senegal, 6:30 PM; Phils vs NZ, 9:00 PM

July 7: Senegal vs Turkey, 6:30 PM; NZ vs France, 9:00

Semi-finals: July 9

Finals: July 10