Elizabeth copy

NEW YORK (AP) — Nakikipaghiwalay sa asawa ang Eat Pray Love author sa kanyang asawa.

Ipinahayag ni Elizabeth Gilbert nitong Biyernes sa kanyang Facebook page ang pakikipaghiwalay kay Jose Nunes pagkaraan ng 12 taong pagsasama, simula nang ikasal sila noong 2007. Tinawag niya ang hiwalayan na “very amicable” at ang mga dahilan ay “very personal.” Ang pahayag na ito ni Gilbert ay kinumpirma ng kanyang publicist sa Riverhead Books, si Jynne Martin.

Ang libro ni Gilbert, na inilimbag noong 2006 at ginawan ng pelikula na may kaparehong titulo at pinagbidahan ni Julia Roberts, ay pagbabahagi ng kanyang paglalakbay at pagharap sa buhay nang makipaghiwalay siya sa kanyang unang asawa.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ibinahagi ni Gilbert, 46, ang tungkol sa buhay mag-asawa nila ni Nunes sa pamamagitan ng best-seller niyang Committed: A Love Story. Marami na rin siyang naisulat na nobela at maikling kuwento.