Muling ipinagpaliban ng Sandiganbayan First Division ang pre-trial hearing sa graft case laban kay dating Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr. na may kaugnayan sa multi-bilyon pisong anomalya sa kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF), o “pork barrel” fund.

Nagdesisyon ang anti-graft court na kanselahin ang pre-trial hearing kahapon kay Revilla, na nahaharap sa anim na bilang ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Ito ay matapos ipaalam ng mga abogado ng dating senador sa korte na kailangan muna nilang tapusin ang paglalagay ng marka sa mga ebidensiya na kanilang ipiprisinta sa mga pagdinig sa kaso.

Itinakda ng First Division ang pre-trial sa kasong plunder laban kay Revilla sa Oktubre 27, habang ang pre-trial sa graft case nito ay isasagawa sa Pebrero 17, 2017.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa ilalim ng court rules, walang ebidensiya na maaaring iprisinta sa paglilitis kung hindi ito minarkahan.

Nagtapos kahapon ang termino bilang miyembro ng Senado, nakakulong si Revilla sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame simula pa noong Hunyo 2014.

Ito ay matapos akusahan ang dating mambabatas ng pagtanggap ng komisyon na aabot sa P242 milyon matapos umanon gamitin ni “pork barrel scam queen” Janet Lim Napoles ang kanyang PDAF para sa mga ghost project na idinaan sa mga pekeng non-government organization (NGO) ng huli. (Jeffrey G. Damicog)