AMY copy copy

PAUWI na si Amy Perez galing Madrid, Spain kaugnay ng “Kuwentong Kapamilya” ng Maalaala Mo Kaya (na nangongolekta ng mga bagong kuwento at mensahe mula sa ating mga kababayan sa ibang bansa) at nag- stopover sa Istanbul,Turkey nang umatake ang suicide bombers sa Ataturk Airport.

Kuwento ng It’s Showtime co-host, nagtaka raw siya nang sabihan ng crew ang mga pasahero na kailangan nilang lumapag sa kalapit na Izmir airport. Dalawang oras silang nakatengga sa loob ng eroplano bago inilipat sa isang hotel para hintayin ang kanilang flight pauwi sa ‘Pinas.

Noong una, lingid kay Amy at sa mga kasamahan niyang pasahero ang pag-atake ng suicide bombers sa Ataturk Airport na ikinasawi ng 36 na katao kabilang ang 17 turista, dahilan para i-divert ang kanilang flight sa ibang airport.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Napaupo lang ako at nagpasalamat ako sa Diyos na walang nangyari sa amin,” aniya nang tumawag siya sa mga kasamahan sa ABS-CBN. (Ador Saluta)