Kris (PLEASE CROP KAMISETA) copy copy

KARARATING lang galing bakasyon, sumabak agad sa TV guesting si Kris Aquino. Biglang nagparamdam daw agad si Kris at marami naman ang natuwa dahil mapapanood na nila uli ang paboritong TV host/aktres. 

Pero ang siste, hindi sa Kapamilya Network ang first TV comeback appearance ni Kris kundi sa mortal na kalaban ng Dos, ang GMA- 7. 

Unang lumabas sa Instagram post ni Kris na naka-schedule siyang maging guest sa morning show ni Marian Rivera on Wednesday. It turned out na taping ang sked nila kahapon at mapapanood naman ngayong umaga sa Yan Ang Morning.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Katapat nito ang iniwan niyang time slot sa ABS-CBN na okupado ngayon ng Maganda Ang Buhay.

Wala na rin namang problema kung umapir si Kris sa anumang programa ng Siyete o sa alinmang TV network. Wala kasing kontrata si Kris saan mang network, hindi kagaya dati na meron siyang exclusive contract sa ABS-CBN.

Pero knows naman siguro ni Kris na may mga dati siyang kasamahan na very loyal sa ABS-CBN, at ang mga ito ang medyo nagtampo sa kanya. 

Ayon sa nakausap naming staff ng dating show ni Kris sa Dos, sana raw ay kumatok muna si Kris at ipinaalam sa mga bossing na magiging guest siya sa kalabang programa. 

“Hindi man lang siya muna nagpaalam kahit isa sa amin na dating mga staff sa mga naging programa niya dito sa Dos.

Sana bumusina man lang siya at nang hindi kami basta na lang nagulat lahat sa ginawa niya,” sey sa amin.

Ayon naman sa isang ABS-CBN executive na nakausap namin, may mga pag-uusap namang between Kris at their management para sa isang bagong programa. 

“Baka hindi na matutuloy ‘yan matapos ang ginawa niyang guesting sa show na katapat ng ilang taon din namang inalagaan niyang time slot. Eh, alam ko hindi nagustuhan ang ginawa niya ng management,” sey ng kausap naming ABS-CBN exec. 

Dahil din sa biglang pag-appear ni Kris sa show ni Marian, kalat na kalat na rin ang balitang magiging Kapuso na ang Queen of All Media. 

Hindi naman siguro mangyayari ‘yan. Tiyak na bibigyan pa rin ng regular show si Kris. Hangga’t may Boy Abunda ang Channel 2, eh, pasok pa rin sa Dos ang nag-iisang Kris Aquino. (JIMI ESCALA)