XAVI copy

HINDI na nakatanggi ang mag-asawang Art Atayde at Sylvia Sanchez nang kuning model ang bunsong anak nilang si Xavi para sa Style Origin Festival (Set the Trend, Feel the Beat) ng Cotton On Kids na ginanap sa Trinoma Activity Center noong Linggo ng hapon.

 Matagal nang may kumukuha sa bunsong kapatid nina Arjo, Ria at Gela Atayde para sa cameo roles pero hindi pinapayagan ng magulang dahil baka raw mapabayaan ang pag-aaral bukod pa sa mahigpit ang eskuwelahang pinanggalingan bago siya inilipat sa De La Salle Greenhills.

 Makulit na rin si Xavi at gusto na raw mag-artista kaya pinagbigyan ng mag-asawa na rumampa sa maraming tao para sa nasabing clothing brand for kids.

Human-Interest

LABUBudol? Mga artistang nahumaling sa 'Labubu craze!'

 “Binilinan ko na lagi siyang mag-smile, kasi alam mo na bata, baka sumpungin lalo na ‘pag napagod. Sabi ko, ‘Xavi, always smile and show them your dimples’. Sagot sa akin, ‘I’m always smiling mom, don’t tell what to do, I know.’

Kaya alam mo na, Reggs, ‘pag pinasok ni Xavi ang showbiz…” natatawang kuwento ng proud mommy ng bagets.

 Super-proud din ang dad ni Xavi na si Papa Art na napapakamot na lang ng ulo nang tanungin namin kung ang bunso na niya ang susunod na papasok sa industriya.

 “Oo nga, wala na akong magawa, malakas ang dugo ni Jojo (tunay na pangalan ni Ibyang),” natatawang sagot sa amin.

 Maging ang proud lola ng magkakapatid na si Mamita Pilar Atayde ay, “Hay, Arturo, wala, puro artista ang mga anak mo, walang gustong magnegosyo.”

 Ang maganda, kahit dinidikdik ng mga magulang sina Arjo at Ria na sa pagnenegosyo luminya ay suportado pa rin nila ang kanilang mga anak sa mga gusto nila sa buhay.

 Maganda at may angas maglakad ang bunsong Atayde kaya pagkatapos nitong rumampa ay tinanong namin kung ano ang gusto niya, maging model o artista.

“I want to be a model,” ang mabilis na sagot.

 Ay, Ibyang, naiba na, model na raw ang gusto ni Xavi.

 “Naku, ngayon lang ‘yan, bukas artista na, next model ulit,” natawang sagot sa amin ng aktres.

 Sa apat na anak nina Papa art at Ibyang, bukod tanging si Gela (pangatlong anak) ang ayaw magtrabaho sa showbiz.

 “I wanna be different, tita, I want to study in Julliard School of Dance in New York (USA), then I want to put up dance school for kids here in the Philippines,” sabi sa amin ni Gela. (REGGEE BONOAN)