Lima katao ang nasugatan makaraang suyurin ng isang tow truck na may hinihilang bus ang mga tindahan sa isang pamilihan sa Commonwealth Avenue, Quezon City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni P/Supt. Cipriano L. Ganalida, hepe ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit (QCDTEU), ang mga nasugatang bikitma na sina John Ray Lopez Padrina, 27; Jovita Padriana, 43; Sammy Figuracion, 38; Angie Ambase Gumaan, 58, at Genalyn Gumaan, 35, lahat ay residente ng lungsod.

Sa imbestigasyon ng Traffic Sector 5, dakong ala–una ng madaling araw, nanggaling sa Philcoa ang tow truck at hila–hila ang pampasaherong bus patungo sa direksiyon ng Fairview habang binabaybay ang Commonwealth Ave. nang pagsapit sa Litex Market ay nawalan ito ng preno at inararo ang mga tindahan.

Dinala sa pagamutan ang mga biktima at ligtas na. (Jun Fabon)

Tsika at Intriga

Sey mo Julie Anne? Vice Ganda, nag-joke tungkol sa 'Anong kinakanta sa simbahan?'