Bon Jovi at tagahanga copy

TOMS RIVER, N.J. (AP) — Tiyak na hindi makakalimutan ang babaeng cancer patient sa New Jersey ang sorpresang pagdalaw sa kanya ng sikat na rocker na si Jon Bon Jovi.

Ayon kay Rosie Skripkunis, matagal nang tagahanga ni Bon Jovi ang kanyang ina na si Carol Cesario at pangarap nitong makita sa personal ang rocker.

Noong nakaraang buwan, nagpahaging si Skripkunis sa social media ng hangarin niyang mabisita ng rocker ang kanyang ina at pagkaraan lamang ng isang oras, nakipagtulungan na si Skripkunis sa team ni Bon Jovi para sa sorpresang gagawin.

BALITAnaw

BALITAnaw: Paano nga ba nagsimula ang 'World Smile Day?'

Nangyari ang pagkikita sa mismong restaurant ni Bon Jovi na Toms River restaurant, JBJ Soul Kitchen.

“I lied to her,” pahayag ni Skripkunis. “I told her I wrote to his restaurant, that they said they couldn’t pass fan mail on, but that they had invited us for a free meal. It was a free meal, but it was a free meal with Bon Jovi there.”

Habang kumakain nitong Sabado, walang kamalay-malay si Carol na nasa likuran na niya si Bon Jovi at nang tumayo ito sa kanyang tabi. Makikita sa isang video na napasigaw si Carol ng, “Oh my God!” nang makita ang singer.

Buong gabing nakasama ng pamilya si Bon Jovi, nagkuwentuhan at kinantahan ng singer ang pamilya ni Carol. Binigyan ni Bon Jovi ng gitara si Carol, kalakip ang kanyang pirma, at may kasama pang halik sa pisngi.

“She slept with the book he gave her,” sambit ni Skripkunis.