Ni REMY UMEREZ

Sarah Geronimo
Sarah Geronimo
NANG ihayag ni Sarah Geronimo ang desisyong pansamantalang isantabi ang showbiz, sa kadahilanang hindi niya nilinaw, agad kumilos ang pamunuan ng Viva Records sa paggawa ng music video para sa awiting Tala na hango sa kanyang album na The Great Unknown.

Ang scenario ay parang napadpad sa ibang planeta si Sarah na mala-disyerto at mamula-mulang kapaligiran. Konsepto ito ni Paul Basinillo at ng Green Screen Magic. 

Malaki ang tiwala ng Viva kay Paul na nakatrabaho na ni Sarah sa mga awiting Ikot Ikot at Kilometro.

Human-Interest

LABUBudol? Mga artistang nahumaling sa 'Labubu craze!'

Ang Tala ay isang dance music na kaya muling ipinamalas ng popstar ang galing niya sa pagsasayaw kasama ang G-Force Dancers. Sexy, malikot at mala-tribong galaw ang execution ni Sarah sa Tala.

Ang Tala ay mula sa panulat ng lyricist-songwriter Nica del Rosario at producers na sina Jumbo de Belen at Alisson Shoreng Flipmusic Production.

Sa talaan ng mga bagong lunsad na music video sa Myx chanel ay agad nanguna sa puwesto ang Tala.