250616_BigwasanNa_04_KevinDelaCruz copy

STAR-STUDDED ang mixed martial arts (MMA) fight nina Baron Geisler at Kiko Matos sa Palace Pool, Bonifacio Global City nitong nakaraang Sabado.

Namataan sina Richard Gutierrez na isa sa may-ari ng gym, Bela Padilla kasama ang boyfriend na combat fighter din na si Neil Arce, Tim Yap, Meryll Soriano, Solenn Heussaff, Alex Medina, Cristine Reyes at asawang si Ali Khatibi, Ervic Vijandre,Dominique Roque at iba pang hindi matandaan ng aming source.

Scheduled as three rounds ang Baron-Kiko bout pero hinang-hina na ang dalawa pagkatapos ng second round kaya inihinto na ang laban. Tabla ang desisyon kaya posibleng magkaroon ng rematch, depende kung gusto pa ng dalawang aktor.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Walang bakanteng silya, at lahat nakatayo dahil bawat galaw at kilos nina Kiko at Baron bini-video at maraming nagpustahan din ‘yung ibang hindi artista,” kuwento sa kaibigan namin na nanood sa laban.

“Parehong mainit sina Kiko at Baron, talagang gusto na nilang magsapakan kaagad, sa unang round, agresibo si Baron pero natalo siya sa unang round.

“Magaling sumipa si Baron, pero magaling sumangga si Kiko. Nasakyan ni Kiko si Baron kaya dito siya natalo.

“Pero malakas ang resistensiya ni Baron dahil sa second round, unti-unti nang nauupos si Kiko kaya nakabawi si Baron, ilang beses niyang napabagsak si Kiko.

“In fairness si Baron, nu’ng nakita niyang bagsak si Kiko, nakatingin lang siya hanggang sa dinala na sila sa kani-kanilang corner.

“Nang umokey na si Kiko, pinagharap na sila ni Baron at nagkayakapan, hiwayan ang tao, grabe wala ka nang marinig na sinasabi sa ring.

“In fairness, after nila magyakap, pinasalamatan nila lahat ng nanood sa laban nila, grabe ang tao, sigawan talaga.

May mga miron din na sumigaw na dapat ituloy ang isa pang round kasi bitin daw.

“Base sa nakita namin, mukhang okay na ang dalawa, nailabas na nila ang galit sa isa’t isa sa ring.”

Well, sana nga tapos na ang gusot sa pagitan nina Baron Geisler at Kiko Matos. 

May kinita kaya ang dalawa sa labang ito? (REGGEE BONOAN)