TARLAC CITY - Nahaharap ngayon sa kasong estafa ang tatlong lalaki na matapos umorder ng alak, pulutan at mag-table ng mga GRO ay hindi nagbayad ng mahigit P20,000 bill nito sa isang beerhouse sa Barangay San Juan Bautista sa Tarlac City.

Sa ulat ni SPO1 Wilson Ducusin, estafa ang isinampa ng may-ari ng Bay Breeze Garden Grill and Family KTV laban kina Jerilou Valdoz, 40, ng Bgy. Mayang, La Paz, Tarlac; Fernando Santos, 44; at Domingo Santos, 50, kapwa ng Bgy. San Juan Bautista, Tarlac City.

Napag-alaman na nangako ang mga suspek na babayaran ang P20,300 bill ng mga ito pagkagaling sa isang pawnshop at pumayag naman si Erlindo Sicat, 54, may-ari ng beerhouse, na maghintay hanggang 8:00 ng umaga.

Ayon sa report, hindi sumipot ang mga suspek hanggang puntahan sila ng mga opisyal ng Bgy. San Juan Bautista at wala pa rin silang maibayad. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog