TEAM Tisoy o TeamChinoy? Magkakaalaman na ngayong tanghali sa ASAP dahil susubukang hanapin nina Jodi. Sta Maria, Ian Veneracion, at Richard Yap ng pelikulang The Achy Breaky Hearts ang tunay na kahulugan ng #RelationshipGoals.

Ibang kuwentong pag-ibig naman ang dala nina Kiray Celis at Enchong Dee na patutunayan ang kanilang chemistry sa kaabang-abang na romantic horror-comedy movie na I Love You to Death.

Walang tatalo sa rakrakang handog ng ASAP Birit Queens na sina Morissette Amon, Klarisse de Guzman, Jona Viray, at Angeline Quinto.

Paiinitin naman ni Jessy Mendiola ang ASAP dancefloor at tatanggapin ni Enrique Gil ang hamong subukan ang sikat na dance challenges na “Running Man,” “Trumpets,” at “Juicy Wiggles.”

Musika at Kanta

Wolfgang, binuburaot ng Ivory, Vicor Music?

Kasama rin sa napakasayang Linggo ang Kapamilya teen stars na sina Janella Salvador, Loisa Andalio, Jerome Ponce, Ronnie Alonte, Andrea Brillantes, Bugoy Carino, Brenna Pennaflor, Nash Aguas, Grae Fernandez, at Joaquin Reyes.

Live din sa ASAP sa unang pagkakataon ang international teen singing sensation na si Greyson Chance.

Lalong kikiligin ang mga manonood sa campus-inspired na “ASAP LSS” kasama sina Elmo Magalona, Nina, Jimmy Bondoc, Jed Madela, at Jolina Magdangal.

Kumpletuhin ang Sunday afternoon experience kasama sina Kyla, Jason Dy, KZ Tandingan, at Daryl Ong sa “ASAP Soul Sessions” at singing heartthrobs na sina Iñigo Pascual at Diego Loyzaga sa isang acoustic jamming session.

Huwag palalampasin ang ASAP ngayong 12:15 PM, sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).