Matagal nang dominated ng mga lalaki ang pampublikong transportasyon sa bansa, at bibihirang makakita ang mga Pinoy ng mga babaeng nagmamaneho ng jeepney, taxi, o bus.

Ngunit para kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) board member Atty. Ariel Inton, magandang ideya na maging aktibo rin ang kababaihan sa pampublikong transportasyon.

“It’s about time to expand the pool of qualified drivers in public transportation by encouraging more women drivers,” sabi ni Inton. “Women are known to drive safely and I think passengers will feel much safer with women drivers.”

Sa kasalukuyan, nagpahayag ng kasiyahan ang mga transport operator sa mga babae nilang driver dahil mas masipag ang mga ito at tiyak pang inaalala ang kapakanan ng mga pasahero.

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file na kandidato sa pagkasenador at party-list

“In Iloilo City, the taxi Light of Glory has a lady taxi driver and she is quite popular. Lady drivers for school services transport are trusted and preferred by parents of the students because these drivers are perceived to be more careful and are caring,” paliwanag ni Inton.

Pagdating naman sa kanilang kita, mas madaling makuntento ang kababaihan sa pagkakaroon ng regular na suweldo kaysa boundary system, na matagal nang sinisisi sa kaskaserong pagmamaneho at minsan pa ay pagkakarera ng mga driver ng pampulikong sasakyan, kahit pa tuwiran nang nalalabag ang mga batas-trapiko.

Umaasa si Inton na mas bukas din ang mga pulis sa pagkakaloob ng kaligtasan at seguridad sa mga babaeng driver, partikular sa gabi, dahil posibleng ito ang pangunahing pangamba ng mga babaeng tsuper sa kanilang pamamasada.

Kapag natiyak ito, sigurado si Inton na mas maraming babae ang makikibahagi sa sektor ng transportasyon. “This will answer the complaints of many operators that it is hard to find trustworthy drivers. I think women drivers will have a lot of benefits to bring to the industry,” dagdag ni Inton. (CZARINA NICOLE O. ONG)