Hunyo 25, 1857 nang ilathala ng maimpluwensiyang makatang French na si Charles Baudelaire ang kanyang librong “Les Fleurs du Mal” (“Flowers of Evil”). Ito ang naging dahilan ng “blasphemy” at “obscenity” sa kanyang mga obra, na nagresulta ng pagmumulta niya.

Sa nasabing libro, tinalakay ni Baudelaire ang mga kontrobersiyal na mithiin at pantasya, laman, at iba pang “forbidden rights.” Tinipon din niya ang kanyang mga naunang tula para sa nasabing libro. Mahigit 1,100 kopya ang naimprenta para maibenta, at makalipas lang ang isang buwan, inakusahan siya ng French government ng “outrage to morality.”

Hindi nagtagal ay ipinagbawal na ang pag-iimprenta ng “Les Fleurs du Mal”.

Naging makata si Baudelaire matapos siyang tumigil sa pag-aaral ng abogasya noong 1840, at piniling manirahan sa Paris. Nang makilala niya si Jeanne Duval, naging kaibigan na ni Baudelaire ang iba’t ibang artist, at nagsimulang sumulat ng mga review.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: Pregnancy and Infant Loss Remembrance Day, kailan nga ba nagsimula?

Namatay si Baudelaire sa tabi ng kanyang ina noong Agosto 1867.