Jodi copy

MAGANDA ang pahayag ni Richard Yap sa presscon ng Achy Breaky Hearts tungkol sa wish ng ilang fans nila ni Jodi Sta. Maria na gawin nilang totoo ang reel love team nila sa Be Careful With My Heart.

“Jodi is a very lovable person, mabait at maganda. But we try to separate reel from real. We don’t want to complicate things and we (sila ni Ian Veneracion) respect her para gawin siyang number two. Mayroong may gusto na mag-end kami together, na ligawan ko si Jodi, pero hindi nga puwede,” paliwanag ni Richard.

Sabi naman kay Ian, “As an actor dapat andu’n lagi ang possibility na magkainlaban sila ni Jodi. It so happen that Jodi is very lovable at hindi ka mahihirapan to find things to love her. Hindi nga lang puwede.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sagot ni Jodi, “Klaro sa akin ang boundaries ko. Married sila, dapat hindi nagku-cross ng boundaries. Nakiusap ako sa fans na ‘wag masyadong personalin ang napapanood nila.”

Sa Achy Break Hearts, walang nag-spoiler sa tatlo kung kanino mapupunta si Chinggay (Jodi) kina Frank (Richard) at Ryan (Ian). Pati si Direk Antoinette Jadaone hindi rin nadulas kung ang past ba o present relationship ni Chinggay ang magwawagi?

Ibig sabihin, panoorin ang Star Cinema movie na showing sa June 29 sa more than 100 theaters nationwide. 

Malakas ang kilig factor ng pelikula, ito ang tiniyak ni Direk Tonet kaya go na sa mga sinehan. (Nitz Miralles)