Sunshine copy

KINUYOG ng fans at supporters ni Sunshine Dizon ang soon-to-be ex-husband niyang si Timothy Tan dahil sa tweets na, “Set me free! Let’s make our separation legit. Let’s both be happy. Hindi lang ikaw ang nasasaktan” at ang isa pang tweet na, “Every man is guilty of all the good he did not do. #seeyou.”

Malinaw sa mga nakabasa sa second tweet ni Tim, na para sa kay Sunshine ang mensahe, pero ang hashtag na #seeyou, baka para raw sa mistress nito. Pero kung nagsasama na sila, ibig sabihin, nagkikita sila araw-araw.

Marami ring fans ni Sunshine ang naloloka sa nadiskubre na sa 12th floor lang pala ng condominium building nakatira ang ex ni Sunshine at ang babae nito at sina Sunshine at mga anak ay sa 9th floor.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Anyway, tuloy ang buhay kay Sunshine na hindi na ginagamit ang apelyido ng ex sa kanyang Instagram handle. She’s back to being Sunshine Dizon at blessing sa kanya na bukod sa Encantadia, muli siyang kinuhang mag-guest sa Magpakailanman kapareha si Gabby Eigenmann. (NITZ MIRALLES)