Nasakote ang isang barangay chairman at tatlong iba pa makaraang makumpiskahan ng aabot sa P150-milyon shabu sa Claveria, Cagayan, sinabi ng pulisya kahapon.

Ayon sa imbestigasyon ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO), kinilala ang mga nadakip na sina Victor Tumaneng, chairman ng Barangay Centro 4; Edgardo Almasan; Alfredo Salbusa; at Robert Cainguitan, pawang ng Bgy. Dibailao, Claveria.

Isinailalim sa surveillance operation ang mga suspek makaraang tumanggap ng report ang pulisya tungkol sa lantarang pagbebenta ng shabu ng apat na suspek, sa pangunguna ng kapitan ng barangay.

Magkatuwang na sinalakay ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang safe house ng mga suspek makaraang isagawa ang buy-bust operation sa El Dia beach resort sa Bgy. Centro 2.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Kinasuhan na ang apat na suspek sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act. (Fer Taboy)