Andrea Torres_millionaire's wife copy

NGAYONG Biyernes (Hunyo 24) mapapanood ang pagtatapos ng pinag-uusapang kuwento ng The Millionaire’s Wife sa Afternoon Prime block ng GMA.  

 

Nagpasalamat ang lead star na si Andrea Torres sa pagmamahal at suportang ibinibigay sa kanya ng mga manonood sa pagganap niya bilang Louisa, ang single mother na nagpakasal sa isang mayamang lalaki kapalit ng pagpapagamot kanyang anak sa pagkadala na may sakit.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: Ilang bayan sa Pinas na maagang nagbukas ng kanilang Christmas village!

 

“Maraming salamat po sa ‘pinakita ninyong pagmamahal sa show. Sobrang saya namin sa positive feedback at sa magandang performance ng programa sa TV ratings. Kaya sana ‘yung suportang ‘pinapakita nila sa ‘min mula umpisa, hanggang ngayon, sana ganu’n din po sa huli,” sabi ni Andrea.

 

Inimbitahan ng aktres ang Kapuso viewers na huwag palalampasin ang pagwawakas ng drama series dahil malalaman na ni Allison (Ina Raymundo) ang pagkakasangkot nina Stella (Jaclyn Jose) at Jared (Sid Lucero) sa pagkamatay ni Alfredo (Robert Arevalo) at kung paano nila isinisi lahat ng ito kay Louisa. Samantala, mag tutulungan sina Ivan (Mike Tan) at Mark (James Blanco) para makamit ni Louisa ang hustisya at makalaya na.

 

“Nitong mga nakaraang linggo palagi namin kayo pinai-excite at ‘binibitin sa iba’t ibang twists. Dito na mabibigyang-linaw ang lahat. Ano ba talaga ang kahihinatnan ng karakter ng bawat isa. Kanino nga ba mapupunta si Louisa –- kay Ivan o kay Mark? Ano na ang mangyayari kay Louisa ngayong nakakulong siya? Be ready. Nakaka-touch ang finale na ito.”

 Mapapanood ang finale episode ng The Millionaire’s Wife ngayong hapon pagkatapos ng Hanggang Makita Kang Muli sa GMA Afternoon Prime.