Hunyo 24, 1995 nang manalo ang Springboks ng South Africa laban sa All Blacks ng New Zealand, 15-12, sa finals ng Rugby World Cup na idinaos sa Ellis Park sa Johannesburg, South Africa. Ang slogan ng Springboks: “One Team, One Country.”
Ang dalawang koponan, na parehong walang talo bago ang finals, ay kinikilalang bilang pinakamahuhusay sa lahat. Ang ilang miyembro ng Blacks ay dumanas ng food poisoning isang araw bago ang laban, na sinisilip bilang pananabotahe.
Lamang ang Springboks sa halftime, 9-6, ngunit nagawang itabla ng kanilang kalaban ang nasabing iskor matapos ang second half. Sinira ni Joel Stransky ng South Africa ang pagkakatabla ng iskor sa overtime.
Ang tagumpay na ito ay nagbunsod ng pagkakasundo at pagkakaisa ng mga South African, at ang special guest sa pagdiriwang ay si dating Pangulong Nelson Mandela.
Taong 2015 nang nagdaos ng reunion ang Springboks sa Ellis Park Stadium, na Emirates Airline Park na ngayon.