PHILADELPHIA (AP) — Tulad ng inaasahan, kinuha ng Philadelphia 76ers si Ben Simmons bilang No. 1 pick sa NBA draft nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).

Ang 6-foot-10, 242-pound forward mula sa LSU sa college ang unanimous choice ng Philly bago pa man nagsimulang dumalo sa kanilang ensayo ang premyadong player.

Matapos nito, itinuon nila ang pansin sa talento ng international players matapos kunin si Timothe Luwawu ng France bilang 24th overall kasunod si Furkan Korkmaz mula sa Turkey bilang 26th pick sa first round.

Ipinahayag ni team president Bryan Colangelo ang kagustuhang makuha ang malalaking player na kabilang sa top 10 kahit na ang kapalit ay ang kanilang star player na sina Nerlens Noel at Jahlil Okafor, ngunit walang kumagat sa alok sa kasalukuyan.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: Pregnancy and Infant Loss Remembrance Day, kailan nga ba nagsimula?

“We were the recipient of more calls than calls going out,” sambit coach Brett Brown. “There’s a lot of interest in our players.”

Tangan ng Sixers ang US$60 million sa salary cap kung kaya’t malaki ang kanilang tsansa na makakuha ng mga players na makatutulong para mapalakas ang kanilang kampanya sa pagbubukas ng season. Nakopo ng Sixers ang 10-72 karta sa nakalipas na taon.

“Congratulations @BenSimmons25. I know you’ll make all of us Philly fans proud!!” pahayag ni NBA Hall-of-Famer Allen Iverson sa kanyang Twitter.

Muli namang umasa ang Houston Rockets sa husay ng Chinese player nang kunin ang serbisyo ni seven-footer center Zhou Qi bilang ika-43 pick, gayundin ang 6-foot-10 na si Chinanu Onuaku ng Louisville.

Matapos, magsabi si center Dwight Howard na nais niyang maging free agent, kailangan ng Rockets ang malaking player.