TUWANG-TUWA si Jasmine Curtis-Smith nang malamang kumpirmado nang makakatrabaho niya si incoming Lipa City Cong. Vilma Santos-Recto.

Hindi makapaniwala sa balita noong una ang kapatid ni Anne Curtis, pero nang sabihan siya ni Mario Dumaual ng TV Patrol na galing mismo sa kanyang talent management ang impormasyon, biglang napasigaw si Jasmine at sabay tingin sa talent manager niyang si Betchay Vidanes: “Oh my God! Confirmed na ba ‘yun?”

Para sa TV 5 contract star, malaking pagkakataon at hakbang ito sa career niya.

Lingid daw sa kaalaman ng lahat, si Ate Vi ay paboritong aktres ng kanyang nanay.

Musika at Kanta

Wolfgang, binuburaot ng Ivory, Vicor Music?

“Actually, when we had a meeting, nagulat ako na siya ‘yung binanggit na actress. ‘Are you sure about this?’” buwelta raw niya sa nagsabi. “Sabi ko nga, ‘My gosh, naka-work ko na si Superstar (Nora Aunor). Ngayon, makaka-work ko naman si Ate Vi, na favorite ni Mommy.

“I was beyond happy, not only for myself, but naisip ko my mom will definitely come home for this. Suwerte ko lang kaya I’m very thankful.”

Pero ayaw niyang mag-elaborate tungkol sa naturang Vi-Jasmine project, bukod sa, “I might be the daughter of Ate Vi. Hindi pa sure.”

Sakaling matuloy ang pelikula, si Direk Quark Henares ang hahawak ng proyekto.

“That would be exciting, it’s fresh!” aniya.

Natutuwa si Jasmine dahil pinagsikapan niyang gumawa ng sariling pangalan, all by herself. May advise at support ang kanyang Ate Anne, pero sa kabuuan, siya mismo ang nakatawag-pansin para ikasa sa anumang project for her.

“Ako, I’m happy kasi that’s always been my goal.I wanna be known an actress, not just for my name or just another talent. There are so many talents that I aspire to become, such as Irma Adlawan. She really made a stamp and a mark na aktres siya. ‘Yun siya, hindi mo na siya mababali. For me, to be recognized in somewhat a similar manner as her, natutuwa ako kasi ‘yun ang goal ko. So, na-achieve ko na!” masaya niyang sagot.

Hindi na si Sam Concepcion ang kanyang boyfriend, kundi isang surfer named Jeff Ortega.

Kagagaling lang ni Jasmine at ng kanyang nakababatang kapatid sa La Union para makasama si Jeff, na kilalang instructor doon.

“Ang maganda naman doon, since hindi siya showbiz, when I don’t have work, and siya, there’s a balance for time, respect for each other’s work, di ba?” masayang pahayag ng dalaga. (ADOR SALUTA)