valdez copy

Mga laro ngayon

(Philsports Arena)

4 n.h. -- NU vs UP

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

6:30 n.g. -- Pocari vs BaliPure

Ang inaabangang pagtatapat ng league leader Pocari Sweat at popular na koponang Bali Pure ay matutunghayan ngayong gabi sa pagpapatuloy ng aksiyon ng Shakey’s V League Season 13 Open Conference, sa Philsports Arena sa Pasig City.

Nakatakda ang duwelo ng Lady Warriors at Purest Water Defenders sa ganap na 6:30 ng gabi matapos ang unang sagupaan sa pagitan ng mga UAAP squads National University at University of the Philippines sa ganap na 4:00 ng hapon.

Pormal na nakapasok ng semifinals ang Bali Pure matapos durugin ang koponan ng Baguio 25-18, 25-14, 25-18 nitong Miyerkules sa San Juan Arena.

Sa naturang panalo, dalawang set lamang pinaglaro at halos hindi tumagal sa loob ng court si team skipper Alyssa Valdez.

Ayon kay playing coach Charo Soriano, magiging magandang sukatan para sa koponan kung hanggang saan na ang level ng kanilang laro sa pagharap nila sa Lady Warriors.

“Pocari is a good team and we ‘e going to know what we’re up against with in the next round,” aniya. “It’s going to be a good gauge.”

Naniniwala rin si Soriano na hindi nila kailangan ng matinding adjustments para sa Lady Warriors dahil pamilyar na sila sa laro, partikular na sa key players na sina Michelle Gumabao at Myla Pablo.

“We knew how Michelle and Myla plays. We’ve seen them played since their college years,” sambit ni Soriano. (Marivic Awitan)