HOUSTON (AP) — Mistulang imortal si Lionel Messi sa harap ng United States football team.

Hataw ang five-time world player of the year para sandigan ang 4-0 panalo ng Argentina laban sa US nitong Martes (Miyerkules sa Manila) at makausad sa finals ng Copa America.

Nabigyan ni Messi ng magandang puwesto si Ezequiel Lavezzi para maiskor ang unang goal ng Argentina sa ikatlong minuto bago umiskor ng sariling goal sa free kick para pasiklabin ang opensa tungo sa impresibong panalo.

Naitala ng Argentina ang huling dalawang goal mula sa assist ni Messi.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Naitala ng isa sa pinakamayaman at pinakasikat na football player sa mundo ang ika-55 goal sa international tournament.

“We had far too much respect,” pahayag ni US coach Jurgen Klinsmann.

“Our players could just feel in every position on the field they were better than we are,” aniya.

Target ng Argentina ang kauna-unahang major title mula noong 1993 Copa at mula nang makasama si Messi noong 2005 — kontra sa magwawagi sa pagitan ng Chile at Colombia sa Linggo (Lunes sa Manila), sa East Rutherford, New Jersey.

“That’s what we hope and what we want, to finally achieve that,” sambit ni Messi. “We deserve it, for all the good work we’ve been doing all these years.”