Daniel, Kathryn at Direk Olive copy

INIULAT sa Bandila ang full swing nang shooting ng untitled pang Star Cinema film nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa Barcelona, Spain.

Bukod sa out-of-the-country location, naninibago rin ang KathNiel sa bago nilang direktor na si Olive Lamasan. Alaga nga kasi ni Direk Cathy Garcia-Molina ang dalawang bida.

“Ang sarap kasi every scene na gagawin mo, fulfilling kasi Olive Lamasan, so ma-good take ko lang ‘yun okay na,” sabi ni Daniel. “Talagang buong puso at trust dapat ibibigay mo sa kanya.”

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Bago tumungo sa Barcelona, pinag-aral sina Daniel at Kathryn ng salitang Espanyol. Ni-required silang pag-aralan ang basic Spanish dahil may batuhan ng wikang ito sa script.

Challenge para sa dalawa na mapaniwala ang viewers na yakap-yakap nila ang kanilang mga karakter.

Halos kabuuan ng pelikula ang kukunan sa Barcelona kaya’t kailangan talaga ang Spanish language.

“Ang laking tulong ng atmosphere ng lugar para sa romansa and maganda ‘yung istorya ng movie dahil unang-una, iba na ang maturity level nito, eh, kesa sa past movies namin,” ani Daniel.

Kaya abangan daw ang mas mature at kilig nilang mga eksena.

Isa sa mga nakatuwaan nina Daniel at Kathryn ang pag-order ng tinapay sa Barcelona.

“Bikini” raw kasi ang tawag sa hugis-bikining pandesal na doon lang nabibili. (ADOR SALUTA)