ELMO AT JANELLA copy

BAGAMAT hindi pa ipinakita sa televiewers sina Janella Salvador at Elmo Magalona, masasabing hinusgahan na ang newest love team ng ABS-CBN sa premiere airing ng Born For You (BFY) nitong nakaraang Lunes. At hindi nga nagkamali si Bossing DMB sa Facebook posts niyang nangangamoy big hit ang seryeng ito.

Ang production team kasi na nasa likod ng big hit ding On The Wings of Love ang gumagawa ng BFY kaya hindi imposibleng mahuli rin agad nito ang kiliti ng viewers.

Maganda talaga ang BFY kaya hindi na kami nagtaka nang makita namin kahapon ang resulta ng ratings game, at partida pa kasi medyo late night na ang time slot nito.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nagtala ng national TV rating na 17.1% ang BFY samantalang nakakuha lang ng 11% ang katapat nitong Juan Happy Love Story ayon sa viewership survey data ng Kantar Media.

Ramdam na ramdam din sa social media ang mainit na pagtanggap sa pinakabagong serye ng Dreamscape Entertainment dahil nag-trend worldwide sa Twitter ang official hashtag nito na #BFYTheRedString.

Naipakilala sa unang episode ng teleserye ang masayang pamilya nina Sam (gagampanan ni Janella paglaki), Cathy (Vina Morales) at Buddy (Bernard Palanca) na biglang napuno ng kalungkutan sa biglaang pagpanaw ng padre de pamilya nang habulin nito si Marge (Ayen Munji-Laurel), ang ina ni Kevin (gagampanan ni Elmo paglaki) at asawa ni Mike (Ariel Rivera), upang bawiin ang kantang Born For You na kanyang komposisyon para sa asawa.

Sabik nang inaabangan ng mga manonood ang naghihintay na buhay para kina Cathy at Sam. May mga naasar na agad sa karakter ni Ayen. Siyempre, malalaman ng mag-ina sa huli na ito ang totoong dahilan ng pagkamatay ni Buddy.

Mas sabik siyempre ang lahat sa pagkikilala nina Sam at Kevin!

Napapanood ang Born For You gabi-gabi pagkatapos ng Dolce Amore sa ABS-CBN. (REGGEE BONOAN)