tamayo copy

Kumpiyansa si Antonio Tamayo, bagong coach na gagabay sa Perpetual Help, sa magiging kampanya ng Altas sa pagbubukas ng telon para sa ika-92 season ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) basketball tournament sa Linggo (Hunyo 26), sa The Arena sa San Juan.

At masusubok ang katatagan ng Altas sa unang sabak sa season kontra sa Arellano University Chiefs.

“We’re confident of our chances this coming NCAA season,” pahayag ni Tamayo, makikibahagi sa liga mula sa opisina bilang may-ari ng Perpetual Help patungo sa hard court bilang bagong coach ng koponan.

Human-Interest

75-anyos marathon runner na may suot na gula-gulanit na sapatos, kinaantigan

Kung karanasan ang pag-uusapan, hindi pahuhuli si Tamayo na naglaro sa University of Santo Tomas high school team kasama ni Aric del Rosario, ang pinalitang coach ng Altas.

Makakasama ni Tamayo sa bench si assistant coach Nigerian Nosa Omorogbe, gumabay sa Las Piñas-based cagers sa katatapos na Filoil Flying V Premier Cup kung saan umabot sa quarterfinals ang koponan.

Kasama rin sa bench ang mga assistant na sina Jimwell Gican at Jonas Kintanar.

“I have to give it to him (Omorogbe), he handled the team well while I’m away,” sambit ni Tamayo.

Target ng Altas na makabawi mula sa ikaanim na puwesto sa nakalipas na taon at asam na makasabak sa Final Four sa isa pang pagkakataon.

Sa kabila ng kabiguan sa nakalipas na taon, matikas pa rin ang line-up ng Altas sa pangunguna ng mga beteranong sina Nigerian Akhuetie at Prince Eze.

Maasahan din sina Gab Dagangon, Nikoli Cabiltes, Gerald Dizon, Antonio Coronel, Ric Gallardo, Kevin Oliveria, Flash Sadiwa, Keith Pido, at John Ylagan.

Sasabak din ng rookie na sina Daryl Singontiko at Jonathan Andrew Yuhico.

Magsisimula ang liga sa simpleng seremonya sa ganap na 12:30 ng tanghali, tampok ang pagreretiro sa No.14 jersey number ng namayapang si Carlos “The Bid Difference” Loyzaga na miyembro ng San Beda Red Cubs noong dekada 50.