VATICAN CITY (AP) – Pinalakas ni Pope Francis ang pagtutol niya sa parusang kamatayan, idiniin na ito ay kasalanan sa buhay, labag sa plano ng Diyos at walang silbing pagpaparusa.

Sa isang video message sa anti-death penalty congress sa Norway, idineklara ni Francis na: “The commandment ‘Thou shalt not kill’ has absolute value and applies both to the innocent and to the guilty.”

Binigyang-diin ni Francis na walang katwiran para sa bitay sa ngayon. Sinabi niya noong Martes na sa halip na magbigay ng katarungan, hinihikayat lamang nito ang paghihiganti.

Ayon sa aral ng Simbahan, pinahihintulutan lamang ang parusang kamatayan kung ito na lamang ang natatanging paraan para ipagtanggol ang maraming buhay laban sa umaatake.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline