Kulungan ang binagsakan ng isang umano’y manyakis na jeepney driver matapos umanong magpakita ng ari at mag-masturbate sa harap ng isang babaeng pasahero sa Pasay City, noong nakaraang linggo.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng Pasay City Police Station si Jesse Veron Sewell, 41, driver ng jeep na pag-aari ng San Dionisio Tenant Service Cooperative, Inc., matapos siyang ireklamo ng exhibitionism at sexual harassment ni Carissa Narcida, 21, na kumuha ng video habang “nagpaparaos” ang suspek, na nag-viral sa social media.

Naghain din ng kahalintulad na reklamo si Narcida laban sa suspek sa tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at pinahaharap sa ahensiya ang kinatawan ng nasabing kooperatiba sa Lunes, Hunyo 27, dakong 2:00 ng hapon, kaugnay ng insidente.

Nagbigay na rin ng kopya ng video si Narcida sa LTFRB na nagpapakita sa suspek sa ginawang kahalayan sa biktima habang minamaneho ang jeep sa bahagi ng Aurora Boulevard sa Pasay nitong Hunyo 17. (Bella Gamotea)

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho