LOS ANGELES (AP) — Hindi na tuloy ang engagement ng rapper na si Iggy Azalea at ng Los Angeles Lakers star na si Nick Young ilang buwan matapos sumulpot ang eskandalo sa social media na nagtaksil si Young.

Sa kanyang Instagram post nitong Linggo, inamin ng 26 na taong gulang na Australian na sinubukan niyang muling pagkatiwalaan si Young, ngunit dumating sa punto na hindi na niya magawa. Sinabi rin niya na mithi niya ang mga bagay na makabubuti para kay Young at idinagdag na “futures can be rewritten and as of today mine is a blank page.”

Si Young, kilala sa palayaw na Swaggy P, ay mas naging diretsa sa kanyang pahayag. Nag-tweet ang 31 taong gulang ng simpleng katagang “single.”

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos