PANIQUI, Tarlac - Natupad ang death threat sa barangay chairman ng Poblacion Center sa Ramos matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem criminals sa Del Valle Street, Barangay Estacion sa Paniqui, Tarlac.

Halos maligo sa sariling dugo si Ariel Mauricio, 53, ng nasabing barangay. Nagtamo siya ng maraming tama ng bala ng .45 caliber pistol.

Minamaneho ni Mauricio ang kanyang Toyota Vios (ZSV-410) patungo sa Ramos nang pagbabarilin siya ng dalawang magkaangkas sa motorsiklo.

Ayon sa report, laging nakatatanggap ng death threat si Mauricio na sinasabing mula sa isang Ka Jo, na naaresto ng Ramos Police dahil sa kaso ng ilegal na droga. (Leandro Alborote)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?