volleyball copy

Mga laro ngayon

(San Juan Arena)

4 n.h. -- Balipure vs Baguio

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

6:30 n.g. -- Air Force vs Iriga

Target ng Bali Pure at Philippine Air Force na mapatatag ang kapit sa liderato sa pagsalang sa magkahiwalay na laro ngayon sa Shakey’s V-League Season 13 Open Conference sa San Juan Arena.

Kapwa pupuntiryahin ng Purest Water Defenders at Jet Spikers ang ikalimang panalo para maselyuhan ang semifinal berth sa torneo na inorganisa ng Sports Vision sa pagtataguyod ng Shakey’s.

Makakasagupa ng Bali Pure ang sibak nang Baguio Summer Spikers sa unang laban sa ganap na 4:00 ng hapon.

Sasagupain naman ng Air Force ang laglag na ring Iriga Lady Oragons sa tampok na laban sa ganap na 6:30 ng gabi upang makausad sa Final Four round kasama ng nauna nang semifinalist Pocari Sweat.

“We just have to stay aggressive in our game,” pahayag ni Bali Pure playing coach Charo Soriano na muling sasandig kina Alyssa Valdez, Gretchel Soltones, Gzi Gervacio, Denden Lazaro, at Alyssa Eroa.

Sa panig ng Jet Spikers, gagamitin nilang inspirasyon ang nakamit na came-from-behind win kontra National University sa dikdikang five-setter nitong Linggo.

Muli, aasahan ni coach Jasper Jimenez ang mga beteranong sina Joy Cases, skipper Wendy Semana, Judy Ann Caballejo, Jocemer Tapic, at ang prized find na si Dell Palomata.