AKALA ng nakararaming tagahanga ay wala nang titindi pa sa pagmamahal na ibinibigay nila kay Selena Gomez, ngunit nagbigay ito ng mas malalim pang dahilan upang mas lalo pa nilang hangaan at mahalin.

Nagtatanghal ang 23 taong gulang na singer sa Tulsa, Okla at kinakanta ang Kill ‘Em With Kindness nitong nakaraang Linggo ng gabi para sa kanyang “Revival World Tour” nang mahulog siya sa entablado. Siya ay naging propesyunal, agad siyang tumayo at nakitawa sa mga manonood dahil sa nangyari.

“First fall on the whole damn tour, can you believe it, in Tulsa?!” ani Gomez, sabay hagikgik. “Well I’ll be damned.”

Nangyari ito matapos namang mag-dive ang dati niyang nobyo na si Justin Bieber sa concert nito sa Saskatoon, Canada. 

Teleserye

MMK posibleng magbalik sa telebisyon, mapapanood sa TV5?

“Good thing I’m like a cat and landed on my feet,” pahayag ng 22 taong gulang na Canadian singer sa mga manonood matapos niyang mahulog sa entablado. “That scared the f*** outta me.” 

Siyempre pa, hindi naiwasang pag-ugnayin ng Jelena fans ang nangyari.

“Selena Gomez fell on stage. Is she trying to tell Justin Bieber she remembers how she fell for him?” tweet ng isang tagahanga. (Yahoo News/Celebrity)