CHEBOKSARY, Russia (AP) — Bakas sa mukha ng mga atleta ang kalungkutan at panghihinayang sa naging desisyon ng International Amateur Athletics Federation (IAAF) na huwag palahukin sa Rio Olympics ang mga miyembro ng Russia’s national track and field.

Nakatakdang ganapin ang national championships, ang qualifying tournament para sa bubuuing delegasyon sa Rio Games, ngunit wala nang saysay ang torneo bunsod ng naturang desisyon na kinatigan ng International Olympic Committee (IOC) nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Ayon kay Natalya Antyukh, ang reigning Olympic champion sa 400-meter hurdles, sigurado siyang ang Rio Games ang huling pagkakataon niya na maidepensa ang korona matapos magdiwang ng kanyang ika-34 na kaarawan.

“The mood has been spoiled,” pahayag ni Antyukh sa Associated Press.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Wala nang interes ang mga atleta na sumabak sa torneo bunsod ng katotohanan na hindi nila madadala ang paghahanda sa Rio Games.

Dismayado ang Russian athletes, higit yaong mga Olympic medallist sa naging desisyon ng IAAF at IOC.

“We should have rejected to go to the Olympics from the very beginning and not follow their orders,” aniya.

“They (IAAF) created a dictatorship. Saying ‘do this, do that’, and we simply followed. But all this work was done for nothing, getting the same decision. I think it was pointless to do that,” aniya.

Ipinahayag ng Russian athletics federation na iaapela nila ang desisyon sa Court of Arbitration in Sports (CAS).