Jennylyn copy

TRULILI kaya ang narinig naming tsika sa ABS-CBN compound na pelikulang pagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Coco Martin ang isasali ng Star Cinema sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon?

Ano na ang nangyari sa planong pagsasama sa pelikula nina Daniel Padilla at Vice Ganda sa MMFF 2016? Shelved na ba ito dahil pumanaw na rin si Direk Wenn Deramas na siyang nakaisip ng nasabing proyekto? Sayang naman.

Sabagay, knowing Star Cinema, dalawa kung minsan ang entry nila sa MMFF kaya hintayin na lang natin dahil masyado pa namang maaga.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Pero nagulat kami na sina Coco at Jennylyn ang pagsasamahin, ano na ang nangyari sa ibang artista ng ABS-CBN dahil ‘tila mas binibigyan ng pagkakataon ang hindi contract star ng Dos?

Sabagay, kung ibabase naman sa box office record ay pawang hit ang mga pelikula ni Jennylyn mula sa English Only Please, #Walang Forever at itong pagsasama nila ni John Lloyd Cruz na Just The 3 of Us na kumita ng mahigit P180M.

At hindi rin naman patatalo si Coco Martin. Susme, highest grosser sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino ang pelikula nila ni Vice Ganda na Beauty and The Bestie na ipinalabas noong nakaraang taon.

Mukhang magpapatuloy pa rin ang winning streak ni Jennylyn na sinusuwerte talaga dahil isa si Coco sa pangarap niyang makatambal sa bakuran ng Star Cinema bukod kay Lloydie.

Actually, tatlo ang pangarap ni Jen na makasama at ang huli ay si Piolo Pascual.

Sino kaya ang magdidirek ng Coco at Jennylyn movie? (REGGEE BONOAN)