Maine & Alden2 copy copy

KINILIG sa tuwa ang AlDub Nation noong Sabado sa kalyeserye ng Eat Bulaga nang magkaroon ng showdown si Daddy Doodz ni Divina (Maine Mendoza) at si Daddy Bae (Richard Faulkerson Sr.) ni Alden (Richards). 

Pero bago ang segment na iyon, dahil Father’s Day celebration ng Eat Bulaga, nagkaroon muna ng Trumpet Dance Challenge ang mga tatay at kanilang mga anak—si Alden at ang daddy niya, si Christopher Roxas at anak na si Christoph Sommereaux, at sina Jim Salas at Paul Salas. 

Pareho nang teenager si Christoph at si Paul na dating Starstruck Kids graduate. Showdown ng mag-aama ang naging opening number ng Eat Bulaga.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Muling ginampanan ni Bossing Vic Sotto ang role ni Daddy Doodz at pumayag namang umarte na ang daddy ni Alden na mas kilala sa tawag na Daddy Bae. Nagpasalamat si Divina sa pagdating ng dalawang daddy at dahil nakipag-showdown nga si Daddy Bae sa ibang guests na daddy, hinamon niya itong makipag-showdown din sa kanyang Daddy Doodz na pumayag naman. 

Palakpakan ang studio audience nang sumayaw ng Trumpet Challenge ang dalawa. Pero ang pagdalo ng dalawa ay may kinalaman din sa pagkanta naman nina Alden at Maine ng duet version ng theme song of the same title ng movie nilang Imagine You & Me.

Tahimik sa studio habang pinakikinggan ang pag-awit nina Alden at Maine na kitang feel na feel ang lyrics na sinulat ni Maine at napakaganda rin ng music ni Bossing Vic. Kuwento ni Bossing Vic, bago kumanta ang magka-love team, thirty minutes lang niyang natapos ang paglalapat ng musika, habang nakikinig sa kanya ang asawang si Pauleen (Luna).

Pagkatapos kumanta ng dalawa, nag-dialogue si Daddy Bae kay Daddy Doodz ng, “Ang husay ng anak mo, kaya botong-boto ako sa kanya.”

Nagtilian ang fans nang malutong na nagtawagan ng “balae” ang dalawang daddy. Tawa lang nang tawa ang dalawa nang sabihin naman ni Lola Nidora (Wally Bayola) na, “hindi pa p’wede.” 

Pero naging malungkot ang eksena nang may ibigay na papel si Daddy Doodz kay Divina at iyon daw ang magsasabi ng tunay na pagkatao ni Divina, sabay alis. Ano kaya iyon? Sino ba talaga si Divina Ursula Dubsmash?

May kaugnayan kaya ang eksena kay Garang, ang name ni Maine sa first solo movie nila ni Alden na Imagine You & Me na showing na simula sa July 13 at may premiere showing sa July 12 sa SM Megamall. (NORA CALDERON)