Handang-handa ang pamahalaang lungsod ng Maynila sakaling tumama sa Pilipinas ang ‘The Big One’ o isang malakas na lindol.

Ito ang tiniyak kay Manila Mayor Joseph Estrada ni Johnny Yu, hepe ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), sa pakikipagpulong sa alkalde, kasama ang mga hepe ng lahat ng departamento sa lungsod at mga opisyal ng mga paaralang bayan, ospital at mga himpilan ng pulisya nitong Hunyo 17.

Kaugnay nito, makikiisa ang pamahalaang lungsod sa ikalawang Metro Manila Shake Drill sa Miyerkules, Hunyo 22. - Mary Ann Santiago

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter