Dahil umano sa labis na kabiguan sa buhay, isang matandang binata na empleyado ng peryahan ang nagsaksak sa sarili na kanyang ikinamatay sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Jerry Javier, 55, nakatira sa Sitio Tumana, Marikina City, Metro Manila.

Si Javier ay idineklarang dead on arrival sa Nova District Hospital dahil sa tinamong apat na saksak sa dibdib.

Sinabi ni SPO4 Roldan Dapat na dakong 4:35 ng umaga nang magsaksak sa sarili si Javier sa tapat ng roleta sa peryahan sa Lukarya Street, Barangay Talipapa, Quezon City.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Una rito, nakipag-inuman ang biktima sa mga katrabaho subalit nang matapos ang tagayan ng alak ay namataan nila si Javier na nakahandusay sa tapat ng roleta ng Well of Chance na may mga saksak sa dibdib.

Isinugod ng mga kasamahan si Javier sa naturang pagamutan ngunit hindi na ito naisalba.

Ayon sa pamangkin ng biktima na si Regina Javier, matinding kabiguan sa buhay ang nagtulak sa biktima upang magpatiwakal. - Jun Fabon