SCIENCE CITY OF MUÑOZ, Nueva Ecija - Masaklap na kamatayan ang sinapit ng isang ginang na sasalubong lang sa anak na nag-aaral sa Central Luzon State University (CLSU) pero inagawan ng sinasakyang motorsiklo at pinagbabaril pa ng tatlong hindi nakilalang lalaki, sa Maharlika Highway, nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ng Muñoz Police ang biktimang si Irene Mendoza, ng Zone 4, Barangay Licaong, sa bayang ito.

Sa imbestigasyon ni PO3 Gabriel Santiago, dakong 10:45 ng gabi at sakay sa motorsiklo ay patungo si Mendoza sa CLSU para salubungin ang anak nang harangin siya ng tatlong armadong suspek malapit sa Gate 2 ng unibersidad sa Bgy. Bantug.

Sapilitan umanong inaagaw ng mga suspek ang motorsiklo pero pumalag ang biktima kaya binaril siya ng isa sa mga suspek. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog