Glaiza de Castro, Kylie Padilla, Gabbi Garcia & Sanya Lopez copy

AYAW pang ipaalam ng GMA-7 ang exact date ng premiere airing ng sequel ng Encantadia, basta sa July na magsisimulang mapanood ang fantaserye na minahal ng mga Encantadiks. Lahat sila nag-aabang na at sa sobrang kaadikan ng fans, ang inilabas na trailer ay paulit-ulit nilang pinapanood.

Pinaghandaan at ginastusan at gagastusan ng network ang Encantadia na pagbibidahan nina Glaiza de Castro, Gabbi Garcia, Sanya Lopez, at Kylie Padilla. Nag-training ang apat ng arnis, nag-diet at tuluy-tuloy ang pagdyi-gym bilang paghahanda sa fight scenes na kanilang gagawin.

Ibinigay din ng GMA-7 ang request ng Encantadiks na ang VFX team na nasa likod sa award-winning na Ilustrado ang humawak sa VFX ng Encantadia. Si Francis Libiran ang gumawa ng costumes ng mga Sang’gre.

Kahayupan (Pets)

Asong inabandona sa paradahan ng tricycle noon, 'poging-pogi' na ngayon

Si Bayang Barrios pa rin ang kumanta ng theme song at ini-record niya uli ang song at natatandaan naming sabi ng headwriter ng fantaserye na si Suzette Doctolero, may konting binago sa areglo para mas bumagay sa 2016.

Sa interview kay Glaiza na gaganap sa karakter ni Pirena, nabanggit ang kagustuhan na mapabilang sa cast ng fantaserye.

“Gusto ko ang story ng Encantadia. Gusto kong mapabilang at maging parte nito. Nag-diet ako since December 2015 pa.

For the first time, sunud-sunod ako sa gym at hanggang ngayon, nagdyi-gym pa rin ako. Grabe ang training namin sa arnis, nagkasugat-sugat at nagkakalyo ang mga kamay ko,” sabi ni Glaiza.

Isa sa mga inaabangan sa Encantadia ang eksena nina Glaiza at John Arcilla na gaganap sa role ni Hagorn na kanyang ama. Parehong magaling na aktor ang dalawa, ang ganda siguro ng mga komprontasyon nilang dalawa. (Nitz Miralles)