Magsasagawa ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng basic orientation training program para sa kabuuang 559 na first-time governor, at city at municipal mayor.

Sinabi ni outgoing Interior and Local Government Secretary Mel Senen Sarmiento na ang “Basic Orientation: The First 100 Days” ay bahagi ng matagal nang programa sa Newly-elected Officials (NEO) ng DILG sa pamamagitan ng training arm nito, ang Local Government Academy (LGA) na isang term-based, comprehensive Capacity Development Program para sa mga lokal na pamahalaan.

Sinabi ni Sarmiento na ang aktibidad, na gaganapin sa buong Hunyo at Hulyo ng taong ito, ay ang unang tugon ng Department sa pangangailangan ng mga bagong lider ng gabay upang masimulan ang kanilang paglalakbay sa pamamahala.

“With the aid of the very best practitioners in various aspects of governance, the DILG-LGA aims to invigorate the minds and passions of the participating local leaders in their first 100 days in office and beyond,” aniya.

National

First Family nagbakasyon sa Suba Beach, Ilocos Norte sa Huwebes Santo

Sa pagtatapos ng training, inaasahang makukumpleto ng mga partisipante ang kanilang First 100 Days Calendar at ang kani-kanilang development commitment agenda. (PNA)