Ann copy

PUMANAW na ang aktres na si Ann Morgan Guilbert nitong Martes sa Los Angeles, kinumpirma ng kanyang anak sa The Associated Press. Siya ay 87.

Ang Dick Van Dyke Show star— na gumanap bilang Millie, ang kaibigan at kapitbahay ni Laura (Mary Tyler Moore) — ay nabalitang namatay dahil sa cancer.

Napanood din si Guilbert sa 90s sitsom na The Nanny¸ at kamakailan lamang sa CBS comedy na Life in Pieces.

Kahayupan (Pets)

Asong inabandona sa paradahan ng tricycle noon, 'poging-pogi' na ngayon

Mahigit 40 taon sa Hollywood, naging bida si Guilbert sa iba’t ibang television show at pelikula, kabilang na rito ang Grey’s Anatomy, Getting On at Please Give ni Nicole Holofcener noong 2010.

Napasama rin sa Broadway si Guilbert, partikular na sa A Naked Girl, Waiting for Godot at To Kill a Mockingbird.

Siya ay may dalawang anak na babae, sina Nora Eckstein at Hallie Todd.  

Ang mga detalye sa pagpapalibing ay hindi pa ipinapahayag. (People.com)