Kritikal ngayon ang isang lalaki matapos pagsasaksakin ng dalawa niyang kalaro sa pusoy na napikon sa kanyang biro sa Malabon City, nitong Huwebes ng gabi.
Nakaratay ngayon sa ospital si Federico Wicangco, 46, residente ng Bayan-bayanan.
Samantala, pinaghahanap na ng pulisya ang dalawang suspek na sina Felix Penes at Marino Penes, kapwa taga-Barangay Muzon.
Ayon sa mga imbestigador, naglalaro ng pusok ang biktima kasama ang dalawang suspek sa isang barung-barong sa Barangay Batilan dakong 7:00 ng gabi nitong Huwebes nang bigla silang magkapikunan.
Inawat ng kanilang kaibigan ang bangayan ni Wicangco at ng mga Penes at nakumbinsi ang dalawang suspek na umalis sa lugar.
Subalit makalipas ang ilang minuto, bumalik sina Felix at Marino sa lugar na may dala-dalang kutsilyo at salitang pinagsasaksak ang biktima nang ilang beses.
Bagamat sugatan na, sinabi ng mga saksi na nakuha pa ni Wicangco na tumakbo palayo sa lugar pero matapos ang ilang segundong habulan ay nakorner din siya ng mga Penes at muling pinagsasaksak.
Naaresto ng pulisya si Felix sa kanyang bahay kinabukasan, habang nakatakas naman si Marino, ayon sa ulat.
(Jel Santos)