TEAM YEY copy

MAS magiging masaya at exciting ang panonood ng mga bata ng Yey! sa paglunsad ng kauna-unahang locally produced kid’s show sa digital free TV sa bansa na Team Yey. Pagbibidahan ito ng kiddie barkada na handing ibahagi ang kanilang talent sa mga bata araw-araw.

 

Ipapakita sa Team Yey ang iba’t ibang nakakaaliw na activity tulad ng dancing, food preparation, arts and crafts, sports, storytelling, music, at daring na challenges. May isang activity na ipapakita kada araw na pangungunahan ng isang miyembro ng team.

Kahayupan (Pets)

Asong inabandona sa paradahan ng tricycle noon, 'poging-pogi' na ngayon

“Gusto namin na ma-enjoy ng kids ang kanilang experiences bilang bata. Hinihimok namin sila na gawing katuwaan lang ang napakaraming posibilidad kung saan p’wede silang mag-excel, kaya tampok sa show ang samu’t saring activities na ipapakilala ng kapwa nila bata,” ani Danie Sedilla-Cruz, channel head ng Yey.

 

Ibabandera tuwing Lunes ang sayawan sa “Galaw Go” kasama ang “Dance Kids” finalist na si AJ Urquia na magpapakita ng cool dances moves tulad ng hip-hop at folk dance na makakatulong para maging expressive ang kids gamit ang pagsasayaw at mas maging physically active.

 

Siksik naman sa masasarap na pagkain ang tuwing Martes sa “Snacks Naman” na pangungunahan ng Goin’ Bulilit star na si Mitch Naco. Ipapakita niya kung paano maghanda ng masasarap na kiddie meals at baon. Creative ang paghahanda ni Mitch ng desserts, drinks, at snacks para ipakita sa mga bata na masaya ang paghahanda ng sariling snacks.

 

Sining naman ang itatampok pagsapit ng Miyerkules kasama ang budding artist at child actress na si Hannah Vito sa “Artstig”. Gagawa si Hannah ng magagandang likha mula sa mga tipikal na bagay para ipakita kung ano ang kayang gawin ng bata gamit ang kanilang imahinasyon.

 

Maaksiyon naman ang Huwebes sa “Game? Play!” hosted by young athlete at vlogger na si Sam Shoaf. Tampok sa show ang ilang sports na kayang-kayang laruin tulad ng basketball at traditional Filipino games tulad ng takipsilim para ipaalala sa mga kabataan na masaya rin maglaro ng games na hindi makikita sa gadgets.

 

Tuwing Biyernes, mga kuwentong kapupulutan ng aral naman ang ibabahagi ng child storyteller at commercial model na si Raven Cajuguiran sa “Storyey.” Dito, kanyang isasalaysay ang mga makabuluhang kwento na may kasamang mini theater presentation or simpleng animation.

 

Music naman ang tema tuwing Sabado kasama ang The Voice Kids Season 1 contestant na si Luke Alford na magpapahalaga kung paano nagbibigay ng inspirasyon ang musika sa ating buhay.

 

Pagdating ng Linggo, haharapin ng Team Yey kiddie barkada ang dares at challenges na magpapalakas sa kanilang loob para hindi matakot subukin ang mga bagong bagay.

 

Matuto, maglaro, at maging the best every day kasama ang bagong kiddie barkada nina AJ, Mitch, Hannah, Sam, Raven, at Luke sa panonood ng Team Yey simula ngayong Hunyo 19 (Sunday), 8:30 AM at 2:20 PM na may replays araw-araw tuwing 9:40 PM. Mapapanood ang Team Yey Lunes hanggang Biyernes, 8:30 AM at 4:20 PM, at mapapanood naman ito tuwing weekend, 8:30AM at 2:20PM sa Yey Channel!

 

Libre at ekslusibong channel ang Yey! sa digital TV gamit ang ABS-CBN TVplus. Available ang ABS-CBN TVplus sa GMA, Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Pangasinan, Benguet, Metro Cebu, Davao City, at Cagayan de Oro. Mapapanood din ito sa cable (SKYcable at Destiny Cable) pati na sa direct-to-home o satellite TV (SKYdirect).

 

Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa tvplus.abs-cbn.com at i-follow ang ABS-CBN TVplus at Yey sa Facebook.