YASMIEN, MARK AT KATRINA copy

UMALIS agad si Katrina Halili pagkatapos ng presscon proper ng Sa Piling ni Nanay, kaya hindi na siya nakausap ng entertainment press sa one-on-one interview. Mabuti na lang at sinagot na niya lahat ang mga tanong sa kanya sa Q and A. 

Maganda ang afternoon prime nila dahil muling nagkasama-sama ang graduates ng first batch ng Starstruck, matatandaang si Mark Herras ang naging ultimate male winner, si Yasmin Kurdi ang runner-up, at si Katrina ang isa sa Avengers. 

Sa kanilang tatlo, si Yasmien lang ang may asawa at anak, nananatili namang single sina Mark at Katrina bagamat pareho na ring may anak.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Natawa si Mark nang tanungin kung hindi pa ba sila naiinggit kay Yasmien. Open naman ngayon si Mark na may bago siyang girlfriend, si Winwyn Marquez at ang sabi na lamang niya, darating din sila sa tamang panahon. Masaya raw siya at thankful sa mga nangyayari sa kanya ngayon.

“Hindi ako naiinggit,” natatawa namang sagot ni Katrina. “Darating din iyong sa akin, masaya ako with my daughter, Katie. Yes, friends pa rin naman kami ni Kris (Lawrence) at dumadalaw siya kay Katie kapag wala siyang work. Close na iyong buhay namin (as a couple), ayaw ko nang pag-usapan.”

Nasentro na ang pagtatanong kay Katrina dahil sa ipinakitang trailer na parang wala siyang sawang saktan si Yasmien sa mga eksena. Hindi ba siya natakot sa mga ginawa niya na kung hindi kami nagkakamali ay magkumare sila dahil silang mga graduate ng Starstruck ang ninang at ninong ng kani-kanilang anak.

“Natatakot din po ako na masaktan ko si Yas. Minsan sinisimplihan ko lang ang pananakit sa kanya pero siya ang nagsasabing totohanin ko raw para ma-feel niya ang eksena. Niyayakap ko na lang siya pagkatapos at nagso-sorry, kaya sana huwag ninyo akong gantihan,” natatawang sabi ni Katrina sa writers ng soap. “Mahirap din pong manakit nang totoo ng kapwa mo, lalo na kami ni Yasmien.”

Super-dramatic ang Sa Piling ni Nanay na idinidirehe ni Gil Tejada, Jr. at ngayon lang siya muli gaganap ng napakasamang character. 

Sa story, mag-asawa sina Katrina at Benjamin Alves, pero hindi magkaanak si Katrina kaya ginawa niyang surrogate mother ang assistant niyang si Yasmien, ng magiging baby nilang mag-asawa. Pero may mangyayari at hindi masusunod ang kasunduan, dito na magsisimula ang away nina Yasmien at Katrina. Damay na rin sina Mark Herras at si Nova Villa, ang lola nina Mark at Benjamin. 

Kasama rin sa cast sina Bettina Carlos, Antonio Aquitania at child star Sofia Jaycel Cabatay. Mapapanood na simula sa June 27 ang Sa Piling ni Nanay, pagkatapos ng Hanggang Makita Kang Muli. (NORA CALDERON)