SAMPUNG tanyag na Pinoy designer ang namamayagpag ngayon sa isang special exhibition sa Good Design Maronouchi sa Tokyo, Japan.

Nagsimula nitong Hunyo 12, Araw ng Kalayaan, at magtatapos sa Hunyo 30, tampok sa special exhibit ang mga gawang-kamay na obra ng mga Pinoy na dalubhasa sa home and fashion design.

May titulong “Exclusively by Hand”, sentro ng exhibit ang mga traditional handicraft na disenyo nina Adante Leyesa, Happy Andrada, John Herrera, Maco Custodio, at Ito Kish.

Tampok din sa Tokyo exhibit ang nilikha ng CSM, Calli, Joanique, Zacarias 1925 at Aranaz.

National

Asawa ni Harry Roque, nakaalis na ng bansa noon pang Setyembre – BI

Nakilahok ang mga Pinoy designer sa Tokyo exhibit matapos kilalanin ng Japan hindi lamang bilang isa sa mga pangunahing merkado ng Pilipinas kundi dahil ito ay ikalawang pinakamalaking luxury market sa buong mundo noong 2015.

Puntirya ng exhibit ang pagpapalawak ng kaalaman sa posisyon ng Pilipinas sa Japan bilang nangungunang pinagkukunan ng de-kalidad at may magandang disenyo ng lifestyle products.

Ang exhibition ay suportado ng Embahada ng Pilipinas sa Japan, sa tulong ng Philippine Trade and Investment Centre (PTIC)-Tokyo, Japan Institute of Design Promotion (JDP), Japan Retail Association (JRA), ASEAN Japan Centre (AJC), Department of Trade and Industry (DTI), Industry Export Market Bureau (DTI-EMB), at Philippine Airlines.

Matatagpuan ang exhibit hall sa gitna ng business commercial district malapit sa Idemitsu Museum of Arts, Tokyo International Forum, at Marunouchi Building.