Dahil sa pakikiapid, tatlong buwang suspensiyon ang ipinataw ng Supreme Court (SC) laban sa legal officer ng National Bureau of Investigation (NBI).

Napatunayang guilty sa kasong immorality dahil sa pagkakaroon ng extra marital affair si Atty. Leonardo Advincula.

Ayon kay SC Spokesman Theodore Te, dahil sa nasabing kaso ay tatlong buwang hindi makapagpa-practice bilang abogado si Advincula.

Kinasuhan si Advincula ng asawa niyang si Cecilia.

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

Una nang inirekomenda ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) na suspendihin si Advincula ng isang buwan, ngunit napagdesisyunan ng SC na gawing tatlong buwan ang suspensiyon ng abogado. Binalaan din ng SC si Advincula na mas mabigat na parusa ang kanyang kakaharapin sakaling ulitin ang nagawang kasalanan. (Beth Camia)