JULIA copy

HINDI pa rin natitinag sa pangunguna sa hapon ang teleseryeng pinagbibidahan ni Julia Montes.

Muling nagtala ang Doble Kara ng all-time high rating nitong nakaraang linggo. Mas marami pang mga manonood ang nahu-hook sa kuwento ng kambal na sina Sara at Kara (Julia) kaya nitong nakaraang Huwebes ay pumalo ito sa all-time high national TV rating na 20.2% at madaling tinalo ang kapatat na Hanggang Makita Kang Muli na nakakuha lamang ng 13.9%, ayon sa viewership survey ng Kantar Media.

Inaabangan araw-araw ng mga manonood ang unti-unting paghubog ni Alex (Maxene Magalona) sa kasamaan sa anak-anakan nina Kara at Seb (Sam Milby) na si Hannah. Lalo pang magiging kumplikado ang sitwasyon ngayong nagbabablik sa Sara sa kanilang buhay.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Magtagumpay kaya si Alex sa kanyang mga plano? Magtuluy-tuloy na kaya ang pagkakaayos ng pamilya Suarez? Huwag palampasin ang nangungunang Kapamilya afternoon series na Doble Kara, tuwing hapon pagkatapos ng It’s Showtime sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Maaaring mapanood ang past episodes ng programa sa iWanTV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.