ORLANDO, FLA. (REUTERS) – Alam ng asawa ng gunman na pumatay ng 49 katao sa isang gay nightclub sa Orlando ang plano nitong pag-atake at posibleng kakasuhan kaugnay sa pinakamadugong mass shooting sa modernong kasaysayan ng U.S., sinabi ng isang law enforcement source noong Martes.

Sinabi ng source sa Reuters na nagtipun-tipon ang federal grand jury at inihahanda na ang kaso laban sa asawa ni Omar Mateen na si Noor Salman.

"It appears she had some knowledge of what was going on," sabi ni U.S. Senator Angus King, miyembro ng Senate Intelligence Committee, na tumanggap ng briefing sa pag-atake noong Martes.

"She definitely is, I guess you would say, a person of interest right now and appears to be cooperating and can provide us with some important information," ani King sa CNN.

National

Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Si Mateen, binaril at napatay ng mga pulis sa tatlong oras na standoff sa Pulse club noong Linggo ng umaga, ay tumawag sa 911 habang isinasagawa ang pamamaril upang ipahayag ang kanyang katapatan sa iba’t ibang militant Islamist groups.

Sinabi ng FoxNews.com, binanggit ang isang source sa FBI, na nangangalap ng ebidensiya ang mga prosecutor para kasuhan ang asawa ni Mateen bilang accessory o kasabwat sa 49 counts of murder at 53 counts of attempted murder, at failure to notify law enforcement about the pending attack, at lying to federal agents.

Iniulat ng NBC News na sinabi ni Salman sa federal agents na tinangka niyang kumbinsihin ang asawa na huwag ituloy ang pag-atake. Ngunit sinabi rin niya sa FBI na minsan din niyang ipinagmeneho si Mateen patungo sa Pulse nightclub dahil nais nitong magmanman, ayon sa network.