Main cast ng 'Hay Bahay' copy

ANG lakas ng tawanan sa presscon ng Hay, Bahay! nang aminin ni Ai Ai delas Alas na pinantasya niya si Vic Sotto at gusto niya itong maka-sex noon.

“Hindi lang natuloy at lagi kong sinasabi sa kanya na sayang ‘di kita natikman. Ayaw kong mabahiran ng dumi ang friendship namin. Hindi lang kami artista, ikaw ba pagnanasaan mo ang boss mo? Saka boss ko nga si Bossing, siya ang nagpapasuweldo sa akin,” sabi ni Ai-Ai.

Alam naman ni Vic na matagal na siyang type ni Ai Ai, pero dahil malalim na ang kanilang friendship, komportable na sila sa isa’t isa at puwedeng magbiruan kahit R-rated jokes. Puro salita lang daw silang dalawa.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Kung may slight na kahalayan ang presscon dahil sa mga sinabi ni Ai Ai, na hindi alam kung seryoso o nagbibiro, ang Hay, Bahay! ay tiyak na pang-General Patronage. Pambata ang time slot nito, every Sunday pagkatapos ng 24 Oras Weekend sa direction ni Bibeth Orteza at pilot na sa June 19.

Anyway, inamin ni Ai Ai na may ipinapatayo siyang bagong bahay sa Quezon City. By January 2017, tapos na ang kanyang bagong bahay. Ibenenta pala niya ang bahay nila sa Ayala Heights sa QC rin para makabili ng bahay sa Amerika.

Ibinalita naman ni Vic na this Wednesday na ang lipat nila ni Pauleen Luna sa bahay nila sa Laguna.

“Inabot din ng more than one year ang pagpapagawa ng bahay. Matagal kaming makalipat dahil ang dami kong gamit.

Hoarder din ako ng mga gamit at pati costumes ko sa TV at movies itinago ko. Marami ring naiwang gamit si Oyo sa bahay (sa Ayala, Alabang). ‘Yung costumes ko ido-donate ko at ‘yung mga hindi na kailangang gamit, hindi ko na dadalhin sa bahay namin ni Pauleen,” pahayag ni Vic. (NITZ MIRALLES)